Kapag sinabi nilang, “tama na” pero mahal mo pa. Bakit ka titigil?
Di naman sila yung nakakaramdam ng nararamdaman mo. Madali lang talaga para sa ibang tao ang magsalita ng ganun kasi hindi naman sila yung nasa situasyon. Everything is easier said than done.
Kung mahal mo pa at alam mong may pag-asa pa. Kung mahal niyo pa yung isa’t-isa, wag kang susuko. Wag kang makikinig sa sasabihin ng iba. Kahit matawag ka pang tanga. Eh sa kung yun yung nakakapag-pasaya sayo, bakit mo ipipilit na alisin siya sa buhay mo?
Kung iiyak ka man o masasaktan ka ulit, wala kang ibang masisisi kundi ang sarili mo. Pero normal yun, laging kasama sa pag-ibig yung masasaktan ka. Ang masarap lang dun, nasaktan ka kasi lumaban ka. Hindi yung, nasaktan ka kasi wala ka man lang nagawa.
Sabi nga nila, package na kapag nagmahal ka. Once nagmahal ka, masasaktan at masasaktan ka along the way. Kailangan lang talaga natin maghanap ng taong worth it sa lahat ng sakit na yun.
Buhay mo yan eh. You can’t let anyone else handle and decide for your own life. In the end, ikaw pa rin naman talaga ang dapat mag-desisyon eh. Kasi ikaw ang haharap sa lahat ng consequences ng decision mo. Hindi naman sila. Gawin mo lang silang guide para malaman mo sa sarili mo kung alin talaga ang gusto mo.
-
yougofigure posted this


