Ngunit kahit na ganito madalas na di tayo magkasundo, ikaw lang ang gusto kong makapiling sa buong buhay ko. :”>

Normal naman sa isang relasyon yung away eh. Sabi nga nila, minsan mas nagtatagal pa yung couple na madalas mag-away kesa sa couple na halos di man lang dumaan sa pag-aaway. 

Syempre, tuwing mag-aaway kayo at nalalagpasan niyo yun, mas nagiging matatag kayo, mas naitatama niyo yung mga mali niyo sa relasyon, mas marrealize mo na,

Mas importante pa rin ang taong mahal mo kesa sa pride mo.

Masarap din naman mag-away, MINSAN. Lalong lalo na kapag bati na kayo at naglalambingan na naman kayo na para bang hindi kayo nagkasakitan kanina.

Lahat ng away niyo maliit man o malaki eh makakatulong din sa paggrow ng relationship niyo. Atleast, hindi kayo natatakot sabihin sa partner mo kung ano yung mali niyang nagagawa. Hindi kayo natatakot sa magiging reaction ng partner mo, dahil karapatan niya ring malaman yung nararamdaman mo.

Minsan akala natin tuwing mag-aaway kayo ng partner mo eh, pagsuko nalang palagi yung solusyon. Pero kapag nagkabati kayo, maiisip mo na mas marami pa palang mabuting bagay ang meron sa relasyon niyo. 

  1. yougofigure posted this